Bakit may mga taong two-timer?

Bakit may mga taong two-timer? Hindi ko lubos maisip kung bakit marami sa mga “kabataan” ngayon ang hindi makuntento sa kung ano ang meron sila. Alam nating lahat na masarap ang pakiramdam ng mayroon tayong minamahal pero kung tayo ay nakatali na sa isa di ba dapat sya na lang at wala ng iba?

Nagsasawa?

Boring ba? lagi na lang bang ganoon ang nangyayari? Hindi siguro, depende rin siguro sa tao kung marami syang gusto mangyari na hindi naman nangyayare o kung mangyari man ay kulang pa rin. Hindi ka pa rin nakuntento!

Magkalayo?
Marahil dahil din sa lokasyon ng bawat isa kung bakit nagkakaroon tayo ng opurtunidad upang humanap ng iba, hindi natin sila madalas nakikita kaya naghahanap tayo ng ibang tao na maaring humalili sa king ano ang wala. Pero hindi siguro nila natatanong sa sarili nila na, “pano kung sa ‘kin gawin to?” “anong mararamdaman ko?”.

Trip lang? Wala lang?
Ito ang madalas kong marining na dahilan ng bawat “kabataan” sa panahon ngayon. Trip lang! wala lang! gusto ko lang! napakadaling bitiwan ng mga ganitong salita ngunit minsa’y hindi natin naiisip kung ano ang epekto ng ganitong mga salita sa mga taong pinagsasabihan natin nito. Maituturing na pagwawalang bahala sa kung ano man ang pinaguusapan kung ako mismo ay masasabihan ng ganito. Pero hindi ko naman sinasabi na hindi ko rin nababanggit ang mga ganitong salita, naisip ko lang ngayon na bkait nga kaya? Bakit mo pa sasabihin sa isang tao ang nais mong ipahiwatig kung wala lang? Kung wala naman talagang kahulugan.

Nagsasawa? Magkalayo? Wala lang?

Ilan lamang ito sa mga dahilan na naguudyok sa atin upang humanap ng iba na kayang punuan ang pagkukulang ng ating iba sa ating buhay. Siguro nga ay mabilis tayo magsawa pero bakit bumabalik pa rin tayo sa totoo nating gusto? Marahil magkalayo nga kayo pero bakit kahit meron ka pang isang magbibigay ng ninanais mo, sya pa rin ang hinahanap hanap mo? Wala lang ba talaga o gusto mo lang subukan upang malaman kunag ano ang pakiramdam ng ganoon?

Advertisements

21 thoughts on “Bakit may mga taong two-timer?

  1. You somehow answered your question…

    They need someone who can care, and love for them in the absences of the real girlfriend/boyfriend.

    Alam ko nablog ko na ito eh. hanapin mo nalang! 😀

  2. Pingback: 2010 in review « Find the joy in your life…

  3. 2 timer….nag 22 timer kame mga lalake dahl dn sa kagagawan ng mga babae…sa 2 gf q nun laht snb q sakanya gnagawa nya lht..nagbg sund sunrn sya sakn….lht sabhn q gnagawa nya patgi nga pag kababae nya…bngay nadn pr d q…sya mnahal ng husto mga 30prsent lang yata…..pay renze q alam na nla na gf q sya clse frnze nya mam q…ung gf na pangalawa pag nag aaway kame kase ng gf q na 2..ay tnatawagan nya mama q..at nag susumbng anu bang klaseng gf yn…….dn ako na irita sakanya…tapus nun break q na sya???1year yata sya bago nag ka bf ult barkada q yn nagng bf nya pero d alam ungbarkada q may nagnyare na samen…hnayan q nalangsla….nakaran ng mga ilang buwan……lage q kase sayng kasabay sa pag uwe saby sla ung BF nya…tahmk nalang ako pero sa totoo ay..nagsisi ako sa nagawa q na hnwalayan q nya…lam q na mahal nya parn ako….pero d na pwd kase….smla nun…nalaman ng mga magulang q na maynang yare na samen ay…….TANGA daw ako….dn sinampal ako nan mam q……dhl iniwan q sya…..super clse kase mama q at gf q na 2 nun….lam q na wala pang nagnyare ung barkada q sa ex..q dhl bff q ung bf ng ex q kng sn pupunta bff q nan dn dn ako kn sn ako pupunta nadn dn sya para kamng makapatd…..kase ayaw q lang mjasera ung pagkakaibagn namen

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s