Ang Alamat ng 5310

nokia 5310

NOKIA 5310

Magpapaskuhan noon nung gusto kong ibili ako ng nanay ko ng bagong cellphone. Kaso wala daw kami pera, pero feeling ko meron naman ayaw lang talaga nila ako ibili. First year college pa lang ako noon, hindi ko pa alam kung anong meron sa school kapag magpapasko. May fireworks daw, kainan, at mga banda. Basta masaya daw. Kaya kinulit ko yung nanay ko na ibili ako ng bagong cellphone. Wala rin kasi kaming camera kaya sabi ko kahit cellphone man lang na may camera yung bilin para sa ‘kin, para naman may remembrance ako kung ano man mangyayari sa paskuhan na yan. hindi nagtagal sa pangungulit ko sa tatay at nanay ko ibinili rin nila ko ng cellphone.

Nokia 5310 ang binili nila sa ‘kin cellphone. Maganda daw kasi, manipis lang taska maliit lang sya at syempre may camera. Tuwang-tuwa ako nun kasi syempre bago cellphone ko tapos ako pa lang meron nun sa klase namin. Pagkabigay na pagkabigay sa ‘kin ng nanay ko nabagsak ko agad (disgrasya1) kasi ang nipis lang at tsaka ang gaan pa.

Noon namang second year second semester ulit habang nagaayos kami ng props para sa IS week. Nalaglag yung cellphone ni Henry (kaklase ko) sa may pintura (disgrasya2) buti na lang nakuha nya agad tapos napunasan nya agad kaya hindi kumapit yung pintura sa cellphone nya. Nito din panahong ito nawala yung 5310 ni jhe.

Sa klase namin maraming nagbebenta ng load pero halos lahat globe at kahit ang dami ng nagnenegosyo ng ganoon sa classroom dumadating pa rin sa punto na nauubusan sila sa dami ng nagpapaload. napatunayan ko na kahit gaano na kahirap ang bansa madami pa rin nagpapaload (haha!). Isa si Cris sa mga nagloload, isang araw pagpasok nya nalaman nyang nadukutan pala sya ng cellphone (disgrasya3). Pangatlong disgrasya na sa mga may ari ng 5310 na cellphone, third year na kami nito pero first sem naman nangyari.

Third year second sem naman ata nung c Kat naman ang nawalan ng cellphone(disgrasya4). parehong unit lang ng cellphone nung kay cris. sabi pa nya sa ‘kin, “Kit baka ikaw na ang susunod”. Kasi nga madami na nangyayari sa mga kaklase naming may ganitong unit ng cellphone. Pero sabi ko sa kanya, “hindi yan! matibay kaya itong akin at tsaka hindi nila ‘to makukuha sa ‘kin”. Kahit na kinakabahan na rin ako ganyan na lang ang sinabi ko sa kanya.

Isang umaga pagkagising ko nawawala yung cellphone ko. Sobra kong nagalala at tsaka 5:30 ng umaga yun napasigaw talaga ko at nagising lahat ng kasama ko sa kwarto. lahat kami naghanap ng nawawala kong cellphone tapos andun lang pala sa bag ko. Kainis di ba? (haha!) Maraming beses na ring ganito ang nangyayari twing umaga pero minsan naman nasa ilalim lang pala ng kama ko o di kaya sa ilalim ng unan ko.

May sumpa daw ang 5310 sa klase namin dahil sa ilan na ang nawawalan at kung ano man ang nangyayari sa cellphone nila. Pero hindi pa ito napapatunayan hangga’t hindi pa nawawala ang cellphone ko!

Advertisements

3 thoughts on “Ang Alamat ng 5310

  1. Pingback: 2010 in review « Find the joy in your life…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s