RAM (Ricardo, Alfredo, Marikit)

Alfredo, Kit, and Igi

Bakit RAM? Yan kasi ang pangalan ng grupo namin sa thesis. R – Ricardo Miguel M. Mojares, A – Alfredo Alonso T. Avila, M – Marikit A. Valmadrid. Kapag nga binasa mo pa pabaliktad yung mga middle initial namin makakabuo ka pa ng ATM (haha!)

Bakit sila? Sila ang mga kagrupo kasi “iniwan” ako ng mga kaibigan ko. Hindi naman totally “iniwan” pero kasi apat kaming magkaakibigan na laging magkakagrupo tuwing may mga group works tapos nagkataon na sa paggawa ng thesis tatlo lang sa isang grupo. Kaya ang nangyari silang tatlo ang magkakagrupo at ako ang naghanap ng iba kong kagrupo. Bakit ganon? Nagusap kasi kami ni Kc na hihiwalay kami sa grupo tapos pumayag sya… nakahanap naman kami ng malilipatang grupo, pero ang nangyari ako na lang ang humiwalay dahil “nagmakaawa” daw si Luke kay Kc na sumama sa grupo nila ni Ghe. Kinausap naman nila ako tungkol doon pero ang usapan ay usapan. Kaso nangyari na at wala na akong magagawa. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi maiwan ni Luke si Ghe. Sabi nga ng isa kong kaibigan, “broke back mountain” daw ung dalawa. Napaiyak nga ako nung kinausap ako nung dalawang lalaki, pero wala na yun sa ‘kin ngayon. Lahat ng nangyayari may dahilan. Siguro there’s something behind this kaya nangyari ito. Higit sa lahat, thankful ako sa mga kagrupo ko dahil nagagawa naman namin ng maayos yung mga dapat gawin sa thesis at tsaka sa iba kong friends na tumutulong sa ‘min. Hindi rin ako ung tipo ng tao na nagtatanim ng galit sa mga kaibigan ko, friends pa rin kami ngayon. Ano naman kung hindi ko sila kagroup? mamatay ba ko? (haha!) College student na ko kaya dapat kaya ko ng harapin ang lahat at hindi ako dapat umasa sa iba sa lahat ng gagawin ko kasi sa huli ako pa rin naman dapat yung tatayo para sa sarili ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s