Careless

Bakit ba naman kasi holiday ng August 9? haha. Ayun napa gimik sa Palladium ng August 8 instead na tapusin ung questions for prelims. Naisip ko rin kasi okay lang may Friday pa naman kaso late ako nagising e may holiday work pa nga pala ako. so ayun ndi ko rin nagawa ung for prelims.

Matutulog na dapat ako ng maaga ng Friday kasi syempre may Saturday classes ako. Pero wait, Friday night and long weekend nga pala! haha. pero nahiga na ako at nag browse browse na lang ng IG pampaantok hanggang sa tumawag si Chee para sabihin iinom daw kasi naginvite si Lianne dahil minsan lang sya mag-aya tapos kasama si Denise and si Rob. hihi.

Hindi ko talaga alam kung sasama ako kasi nakaset na ung utak kong matulog ng maaga every Friday due to Sat classes. Pero wala akong nagawa tumawag si Rob e. Un lang. hahaha. bakit ba ang hina ko pagdating sa mga lalaki na yan. hahaha.

So bago dun pumunta muna ako sa isang gimik keme na una naman naginvite sakin. pupunta na lang din naman ako dun sa isa ehdi puntahan ko na rin ung nauna naginvite haha. So we started at Rue Bourbon nila Nicole kasi dumating si Miles from Gen San. then nag Skye kami – grabe ang ganda don. pero ang mahal ng alak! hahaha.

After that sumunod na kami sa Cable Car kasi nga naginvite sila Chee. grabe! ampula ko na pero go pa rin. Eto na naman ang awkward moment kasi andun si Chinits (kapitbahay crush) tapos andun si Rob. ano na kit? sino kakausapin mo? hahaha. tapos syempre binanat ko na naman ang matinik kong linya na, “uuuy guys uuwi na ko” kaboom! kaya ako ndi lagi nakakauwi kasi nagpapaalam pa ko e. minsan nga try ko na lang magdisappear. hahaha. so ayun nga ndi na ko umiinom dumadaldal na lang ako pero loko tong si chinits pinapainom pa ko. so pinasa ko na lang kay Rob kasi lagi naman nya sinasalo shots ko e. hahaha.

Then ayun, the usual na gimik scenes tapos nung pauwi na nagpaalam na sa lahat. e andun pala sila rob sa may yosihan so nagpunta ko dun para magpaalam. kasama nya si Jhayjhey and Moi dun. syempre kapag may loko kang kaibigan iiwan kayo dun tapos kunyare nakaalis na sila pero pinipicturan kayo sa tabi. haha. ehdi ayun nga nagpaalam na ko kay rob kasi need ko na talaga umuwi. hinug namin ang isa’t isa. waaaa! namiss ko sya pero syempre ayoko sabihin, pademure ako e. bakit ba! hahaha.

4 AM na ako nakauwi. and guess what nakalimutan kong magkikita kami ng nanay ko before ako pumasok sa 8am class ko! WTH anyare? 8am nasa bahay pa ako! nagising lang ako kasi tinatawagan na ko ng nanay ko. pag dating nya sa condo kaboom! nakalipstick pa kong pang anne curtis. hahaha. sabi nya, “sabi ko na e, anong oras ka umuwi?” ayun. after non naligo ng mabilis, pero tinext ko muna ung pang 8am class ko na magqquiz pa rin kami kahit sa last hour na haha. syempre ndi ako napagalitan pero nagtalo na naman si nanay at tatay kung kanino ba ko nag mana ng paginom na yan. hahaha. knowing kasi si tatay syempre lalaki malakas uminom. tapos si nanay taga quezon e mga babae ung malakas dun so ayon. hahaha.

Syempre late ako sa 8am class ko. 9:41 na ko dumating. hahaha. huminga muna ko ng onti kasi bangag pa ko, then quiz na. after nun hiniram ko ung susi ng kotse ni ex para dun matulog. alangan naman sa faculty room ehdi nabengga ako dun dba? hahaha.

Pero wait commercial, habang nasa FX papuntang school nagbbrowse ako ng phone ko baka may mga ndi ako nareplyan or natext from last. e may nabasa akong “i missed you” made my day kahit bangers with matching sermon na “dapat ndi ka na nagpaumaga may pasok ka pala” wala na na. kilig++ na naman. haha.

So ayun pagdating ng IRM class ko haggardo versosa to the highest level pero ndi na namumula. oh dba. hahaha. Nagenjoy rin ako sa class na un dahil sa Whammy game at ang epic fail na pagtakip ng score sa board instead na ung projector ung takpan for suspense effect. haha

At syempre ndi pa jan nagtatapos ang lahat dahil may Australian Seminar pang dapat habulin sa makati before 5pm. ehdi fly naman ako dun. sila nanay na ung umattend for me. Ehdi ayun apply apply, inquire inquire for masteral. Then pagkatpos dun nagdinner na kami. akala ko ndi na ko masesermonan pero wala e. iba talaga ung nanay ko. hahaha.

So pagkauwi ko inisip ko pa kung pano ko mageemplake for HK kaya tinext ko ung nanay ko sabi ko sana pala ndi ka muna umuwi kasi wala ako tagatiklop ng damit. ayyy nako ndi ko alam bakit ndi ako babae pagdating sa mga ganitong bagay. hahaha. so ayun salpak dito salpak don. buti nakahiram ako ng maleta kay Nicole. my ever loving batchmate/friend/sister hahah. tapos nakatulog na ako agad kasi wala talaga akong tulog napaka careless ko lang kasi talaga. ndi man lang ako nagisip ng mabuti sa mga actions ko. basta gusto ko gagawin ko. hahaha. pero now i realized, ndi na talaga ako gigimik if may sat classes ako kasi ampanget ko rin the next day. ayoko pa naman ng feeling na ganon. hahaha. oh well.

Pero syempre ndi ko natapos ung prelims ko dba? sabi ko na lang, cge pagbalik ko na lang galing HK tutal 11am pa naman ung exam. pero ndi pala ako aabot sa 11am. e ndi ko talaga natapos ung ginagawa ko so ginamit ko na lang ung pang departmental talaga. sabi kasi ng ex ko ndi naman daw nagkakalayo so oks lang. ehdi ayun cge paupload na lang tapos pasabi kay Sir Alex ndi ako makakaabot. Nung chineck ko hala mejo malayo ata ung ibang parts. anong gagawin kooooooooooooooooooo?!

Wala na kong magagawa. I have to face the consequences and harapin ang mga studyante ko. grabe lang sunud sunod na kamalasan talaga. but everything happens for a reason kaya nga may just give me a reason na song. hahaha. konek, kit? LOL.

napapablog tuloy, para press release na. hirap magexplain paisa isa e. hahaha.

zzzzzzzzzzzzzzz

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s