Bakit Ganun [75]

Hindi ko alam bakit all of a sudden bigla mong in-open ang topic about relationship to think na ilang weeks pa lang tayo magkakilala. Nagpakwento ka sakin kamusta ung Saturday night ko at nagkwento lang naman ako. Nagselos ka na naman sa kanya at nagalit ka pa ata sakin. After that, tinanong lang naman kita bakit hindi ka nagpaparamdam for almost 3 days and I was so shocked about your response.

For the first time ata, nauna ma-attach ung guy kesa sakin. Hindi ko ineexpect. Or niloloko mo lang ako? Sobra akong nagulat to the point na, tangina anong ginawa ko? Lalayo ka? Dahil na-attach ka na?

Gusto ko sana magjoke nun na kukuha ako ng staple remover para ma-detach ka pero naisip ko mukang wrong move yon. Bakit ambilis? Anong nangyare nung two weeks? Hindi ko talaga to ineexpect.

Then i replied na i was not expecting anything naman. Totoo yan, ineenjoy ko ung mga oras na kasama kita kasi natutuwa ako sayo. Sweet ka, caring ka, gentleman ka, pranka ka kausap, and kapag sinesermonan mo ako or pinagsasabihan mo ako kinikilig talaga ako. I’m enjoying the moment kasi its been a while na rin na may gumagawa nyan for me.

Idk if wrong choice of words lang ung reply ko pero mejo naguguluhan ako sayo. Para sakin kasi, okay go with the flow muna. Masaya kasi e, let’s see saan to mapupunta. Kung may masaktan man, okay lang. Be mature about it and face the consequences. At least at some point naging masaya ka. Hindi yung ung at the end of the day madaming “what if…” ang papasok sa isip mo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s