Bakit Ganun [76]

IMG_2115.JPG

Friday! Eto ung favorite day ng normal na employee (ung pumapasok lang ng Monday to Friday from 8am to 5pm at sumusweldo every 15th and 30th) or ung mga employee na walang pasok ng Sabado at Linggo at pwede silang lumabas or gumala ng araw na ‘to.

I guess there was never a legit Friday experience for me, lagi akong may pasok ng Saturday. Haha! But since this is a dress down or usually casual day in most offices people get to rid of the corporate or smart casual attire.

One time, after namin magbasketball ng friends ko, napadaan ako ng Glorietta and nakita ko tong Vans shoes sa rack. Syempre sinukat ko agad ung display kahit hindi naman ako sure if bibili ako. Maliit sakin ung andun so humingi ako ng size. Sad to say, past pair na pala un. Naiisip ko naman pumunta sa Greenbelt to check if meron pa akong size ng shoes na yun. Kaso wala na rin daw. That same week napadaan ako ng Trinoma tapos bigla kong naisip ung sapatos, aba teka baka may size ako dito. Hahaha! Gusto ko talaga sya kaya parang eager ako makahanap ng size. Kaso malaki naman sakin ung available size don. Iniisip ko nga what if may cork na lang ako e. Kaso hindi! Malaki pa rin talaga sya haha! Sobrang desperate ko na tinanong ko ung ate baka pwede hanapan nya ako ng branch na may size ako. Luckily may nahanap sya, kaya lang sa MOA pa huhu! Ang layo!

From that time, naisip kong i-let go na lang ang pagka gusto ko. Baka kasi hindi naman talaga para sakin. Pero kasi nagtatry ako ng ibang shoes na may size ako kaso sya pa rin ang gusto ko. Minsan kasi kapag may nagustuhan akong bagay sa mall binibili ko na agad kasi ayoko ma-depress at pagsisihan na hindi ko nakuha ung gusto ko. Pero eto kasi, nakailang branch na ako wala pa rin! So ayun sumuko na ako.

Weeks after at mejo nakamove on na naman ako haha! Nagkataon naman na magkikita kita kami ng friends ko sa MOA, mejo napaaga ung dating ko kaya nagikot ikot muna ako. Bigla kong naalala ung sapatos so dumaan ako ng Shoe Salon para i-check. Meron pa sila sa display nung gusto ko, kaso may size pa ba ko? Haha. Sinukat ko muna ung nasa rack, waaaa! Kasya sya. Sabi ko ate pwede po humingi ng bagong stock? Sabi nya, “ay ma’am last pair na po yan”

Hindi na ako nagdalawang isip at hiningi ko na ung ka-pair ng sinukat ko. Sinuot ko pareho at nilakad lakad ko. It feels so good. Huhu! Parang nakaformat na kasi ung utak ko na wala na talagang size for me at nagmove on na rin ako pero dumating pa rin sya.

Bought this shoe last 2012, 2 years ko na syang ginagamit. Madalas ko syang gamitin kaya siguro nagkasira sira na rin. Madami na rin kaming pinagdaanan kaya kahit gusgusin na sya ginagamit ko pa rin. Wala akong pakealam if sabihin ng ibang tao na, “ano ba yan sira sira ung sapatos”.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s