Bakit Ganun [82]

Sobrang random lang, napaisip ako kelan or paano mo ba malalaman if sobra na or kulang ung love na binibigay mo sa isang relationship? Hindi ko talaga alam anong pumasok sa isip ko haha. Feel ko sa relationship ko ngayon hindi naman sobra pero ang clingy ko lang talaga. Maybe because its been 4 years since my last and as of now I am enjoying every bit of what we have and I am always looking forward for what would happen the next day. I really don’t care if almost everyday kami magkasama, kahit sabihin ng ibang tao na mabilis magkasawaan kapag ganon and parang immature daw. Parang hindi ko naman nararamdaman yun, everyday may mga bago kaming napapagusapan, the sparks is there and minsan nga mas nakakaexcite pa na ano kaya mangyayare tomorrow? What I love about our relationship is that this one person is more that what I am expecting after 4 years.

Gusto ko lang naman kasi ung masasakyan mga kabaliwan ko, ung laging anjan para sakin, ung mahihila ko kung saan saan, ung hindi ako papaiyakin, ung dadamayan ako sa mga problems ko, ung taong pwede kong stress reliever, basta ung makakaintindi sakin, at ung hindi ako iiwan na lang at papabayaan. Kasi sa totoo lang, akala lang ng ibang tao na ang saya saya ko lagi na parang wala akong problema. Pero minsan nga dba, the happy people that you see everyday could be the broken one’s. Hindi alam ng lahat ng tao kung ano man pinagdadaanan ko ngayon, walang may alam! sya lang. Sya ung laging anjan kapag umiiyak ako, lalo na nung nagsisimula palang ako sa new work ko, nung may problema ako sa kapatid ko, especially ung mga times na nagb-breakdown talaga ako. Ung mga oras na sobrang depress ko, sya ung sumasalo ng lahat for me.

Sobrang thankful ko na dumating sya sakin, lagi kong sinasabi sa kanya how blessed I am. Siguro in the beginning andami talaga namin pinagaawayan to the point na umiiyak talaga ako ng sobra kasi nasasaktan talaga ako pero its part of the relationship. At least na-address namin ung mga issues na meron kami. Ang ayaw ko kasi ung kayo pero parang hindi kayo. Ung naghahanap ka ng attention sa ibang tao kasi hindi mo makita sa bf/gf mo. Parang ganun kasi ung past relationships ko, pero ngayon sobrang iba. Sobrang different, kahit sobrang opposite namin (like showy ako sya hindi) love na love ko pa rin sya.

So for those people questioning our relationship siguro inggit lang kayo or hindi nyo lang matanggap na kami or wala lang gusto nyo lang akong asarin haha. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s